Back
Katuwang Logo
KATUWANGSOLUTIONS

Frequently Asked Questions

Mga kasagutan sa mga karaniwang katanungan ng ating mga Katuwang.

Q.Magkano ang Katuwang Solutions?

A.

₱99 lang per month (para sa iisang module) kung mag-aavail ka sa ating promotional rate. At ang maganda pa, locked-in na ang presyong ito habang active ang iyong subscription!

Q.Paano mag-bayad?

A.

Tumatanggap kami ng payment via GCash o Maya gamit ang aming QR code. Walang auto-debit, kaya safe ang inyong bank accounts. Ikaw mismo ang magse-send ng bayad buwan-buwan.

Q.Kailangan ba palaging may internet?

A.

May offline mode ang aming POS/Benta module! Pwede kang mag-record ng benta kahit mawalan ng internet. Mag-o-auto sync ito sa aming cloud servers kapag bumalik na ang signal mo.

Q.Ilang devices ang pwedeng gumamit?

A.

Unlimited! Pwede kang mag-login sa cellphone, tablet, at laptop nang sabay-sabay gamit ang iisang account nang walang extra bayad.

Q.Paano mag-add ng tindera/staff?

A.

Punta ka lang sa Settings → Staff Management. Ibigay ang iyong 'Business Code' sa iyong staff para makapag-register sila. Ikaw bilang owner ang mag-a-approve sa kanila bago sila makapasok.

Q.Kailangan ba ng BIR accreditation kung gagamitin ko ito?

A.

Hindi po kailangan. Ang Katuwang Solutions ay isang business management at tracking software, at hindi isang pormal na POS Machine na nag-i-issue ng BIR-registered official receipts.

Q.Pwede bang mag-print ng resibo?

A.

Oo! Compatible ang Katuwang Solutions sa karamihan ng mga Bluetooth Thermal Printers.

Q.May refund ba kung hindi ko nagustuhan?

A.

Wala pong refund. Ngunit, mayroon kaming ibinibigay na libreng trial period para masubukan mo muna nang buo ang system bago ka mag-desisyon na mag-subscribe.

Q.Gaano ka-ligtas ang aking data?

A.

Ang iyong data ay naka-imbak sa Google Firebase servers. Gumagamit kami ng world-class security at encryption para matiyak na ikaw lang ang may access sa iyong negosyo.

Q.Paano kung masira o mawala ang cellphone ko?

A.

Huwag mag-alala! Dahil cloud-based ang Katuwang, mag-log in ka lang gamit ang iyong email at password sa bagong cellphone, at makikita mo ulit ang lahat ng data mo.

May iba ka pa bang tanong?

Mag-message lang sa aming Facebook page o mag-email sa amin.

Contact Support
Katuwang Logo
KATUWANGSOLUTIONS

Katuwang Solutions
© 2026 All Rights Reserved.